
HULA: Magbasa ng nakakatawa ngayon para sumaya ka naman. Mahirap ang laging malungkot at nakatulala lang, lalo kang tatanda. Huwag mong isipin masyado yun, mahal ka rin nun! hehehe
SCOOP: Kapag ganitong nalulungkot ako dahil sa nadagdagan na naman ang taon sa edad ko kailangan na paminsan-minsan ay gumaan ang pakiramdam ko kaya binabalikan ko na lang ang mga sinipi kong mga jokes para tumawa uli ako at kahit paano maging feeling bata uli ako hehehe. Eto ibabahagi ko sa inyo ang mga sinipi ko na mga Manny Pacquaio at Aling Dionisia jokes dahil sa nalalapit na laban ni Pacman (idol ng asawa ko eh pinagpapalit ang hulascoop ko sa Pacland hehehe). Pasensiya na at wala akong maisip na hula, medyo mahina ang signal ko ngayon kasi nahaharang na yata ng mga snow na unti-unti ng bumababa dito hehehe.
Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.
Aling Dionisia: Talaga?...gusto ko gumanda!
Genie: Buksan mo ang bote.
Aling Dionisia: At gaganda na ako?
Genie: Hindi. Babalik na lang ako.
************ ********* ***
Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant walang egg?Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me egg yun, turta na yan, TURTA!
************ ********* ****
Reporter: Ngayonng nanalo ka Manny, anong pasalubong mo kay Jinkee?Manny: Ibon syempre. Mahilig sya dun e.
Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?
Manny: Yung mga lipstek, pangmik up ba? Basta mga Ibon products! Yo know…
*********** ********* ****
Paano kung si Manny Pacquio ang presidente?
Magpapagawa sya ng school, PACQUIO UNIVERSITY …in short PAC U.
Eh anong tawag sa mga students? Edi PAC-ERS.
************ ********* ****
Dionesia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.
Doctor (gulat) magpapasexsi ka na?
Dionesia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yun ngepen ko! Deba uso yon?
************ ********* ****
Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anung gawin mo.
Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!
Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. I mean you know…
************ ********* ****
Aling Dionisia: Inday, akina nga yung seeds ko.
Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?
Aling Dionisia: Anung magtatanim sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.
---------------------------------------------------------------------
GOOD LUCK Manny sa laban mo! Manny, Manny!
LARAWAN: Walang kaugnayan ang hula ko dito...you know (hahaha eto na pala ang expression ni Manny LOL) natawa lang ako sa ingles ng nakasulat kaya kinodak ko ito, baka lang kayo matawa....hehehe





