HULA: Mapapangiti ka na mag-isa para kang sira-ulo dahil wala ka naman kausap, kasi naaalala mo ang mga masasayang araw mo noon.
SCOOP: Pag napapangiti ka mag-isa malamang ang kausap mo lang ay sarili mo. Nagmumuni-muni ka, walang masama diyan dapat mong ibahagi yan kaibigan. Kaya ako eto nagmumuni-muni rin sa mga nakaraan ko , ewan ko ba bakit ganito? Kakainis kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan…hay buhay. Yun bata sa larawan ay isa sa mga ikukuwento ko sa mga naalala ko noon.
Ang mga pinagmumuni-muni ko:
Book- di ako nahilig magbasa ng libro nang maliit ako, wala kasi kaming pambili nito, komiks lang kaya naming bilhin
Illustrator- ang peborit kong dibuhista sa funny komiks ay sina Roni Santiago (Planet op d eyps) , LS Martinez (Superkat), Pat V. Reyes (Niknok)
Raket- noong maliit ako nagpapa arkila ako ng komiks at nagtitinda ako ng sago’t gulaman at ice candy sa basketbolan kapag may paliga ng basketbol minsan naman nagtitinda ako ng barbecue sa tapat ng tindahan namin, yan ang mga raket ko nun
Talent- noong walong taon ako, tumula ako sa Tita Betty’s Children show sa DZBB sa sobrang haba ng tula ko (50 lines, 10lines/stanza), nalimutan ko tuloy yun tula ko at huminto ako pero tinuloy ko pa rin nang maalala ko hehehe pero kahit paano nanalo ako ng 2nd prize, ang pamagat ng tula ko, “Ang Kabataan at Ang Pananampalataya” hmmmm nasaan na kaya ang kopya ko nun??
Hobby- ang hobby ko noon bata ako ay mag-ipon ng tansan pipitpitin ang mga ito para gawing pangkalansing pag mangangaroling at mag-ipon ng tiket ng bus na hanggang ngayon di ko alam kung bakit ko inipon yun noon hehehe
Damit- noong bata ako, nagkakaroon lang ako ng magarang damit pag birthday ko at pasko
Author- kilala kong mga author ay hindi author ng libro kundi author ng komiks, sina Pablo Gomez, Carlo Caparas, Elena Patron, Nerissa Cabral at iba pa….hanggang komiks lang pala ako hahaha
Yaya- wala akong naging yaya meron yoyo naglalaro ako nito pero hindi ako marunong ng walking the dog o kahit ano pang exhibition ang mahalaga nakakabalik ang yoyo ko sa kamay ko kada tinatapon ko sa ere hehehe
Komiks- funny komiks ang paborito ko - dito ako natutong nahasa magbasa at nakilala si Niknok at pinangarap na makilala siya at makamayan hehehe; nagpadala rin ako ng dalawang drawing dito at nafeature din sa komiks tinago ko para souvenir pero nawala din huhuhu (paging Dennis Villegas baka meron ka copy hehehe)
Opo- ang natutunan ko sa mga magulang ko na napamana ko sa aking mga anak kahit bulol pa silang magtagalog basta may “opo” kahit minsan over na like “Mama po nasaan po yun gamit ko po” hehehe
NGAYON
pakibasa na lang ang mga unang letra sa mga sinabi ko at idugtong nyo yun ngayon hehehe at saka kayo magcomment hehehe….please para nyo nang awa lol
PAHABOL: Si Kris Aquino kahit super arte niya gusto ko siyang maghost ng show, ninanamnam ang mga sagot ng kausap at sabay banat ng kanyang nalalaman kahit wala nang masabi kausap niya hehehe; si Lea Salonga naman magaling kumanta at isa rin niya akong tagahanga. Silang dalawa kasabay kong nagtake ng NCEE ……so hulaan niyo kung anong kaugnayan nito sa akin hahaha. Kung di ninyo alam…..”you harden there!” manigas kayo! You rock!!! Bato kayo!!!! Hehehe