Saturday, June 20, 2009

HULA SCOOP: Happy Father's Day


HULA: Maaalala mo ang mahal mo sa buhay… ang iyong ama at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, maging sa ayaw at sa gusto mo no choice ka, bahagi sya ng buhay mo. HAPPY FATHER's DAY!!!

SCOOP: Father’s day na bukas kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin (o sa ama ng mga anak natin kung walang anak e kahit pamangkin mo na lang hehehe) ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko pa sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko:

MGA JOKES KAY TATAY

Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay!
Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw

Tatay: Juan, mag-aral ka ha!
Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi.
Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka!
Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay??

Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!
Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy?

Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.”

Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay!

Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)
Anak: Inay, babae po ang sumagot!
Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!

Anak: Itay, ano yung 10 commandments?
Ama: Iyon ang 10 utos ng Diyos.
Anak: Mas mataas po pala kayo sa Diyos.
Ama: Bakit?
Anak: Mas marami kayong utos eh!


PAUNAWA: Kasalukuyan akong nagpapahinga at walang magawa dito sa isang lugar na malapit sa "Sembawang Shipyard" napadpad ako dito dala ng libreng eroplano hehehe. Ang init pala dito grabe at di ko matiis na magpost ng hulascoop kasi hula ko miss ninyo na ako e hehehe. Bukas hindi na libre ang lipad ko, salamat kay kumpareng "Master" pina swipe na naman niya ako hehehe.


PASALAMAT: Maraming salamat muli sa mga bumoto! At sa lahat na lumahok at lalahok pa sa patimpalak ng PEBA. Kung di pa kayo nakakaboto, click nyo na lang po ito. At kung di pa ninyo nababasa ang blog entry ko, paki click na rin ito.

LARAWAN: Dinekwat ko lang ang larawan na yan sa flicker ng kuya ko at hindi po ako ang naglalakad dyan, salamat Kuya at Happy Father's Day na rin hehehe. Paki click ito kung gusto ninyong makita ang ilan pa niyang magagandang larawan. Salamat.

Monday, June 15, 2009

HULA SCOOP: Mamimiss Mo Ang Isang Lugar



HULA: Mamimiss mo ang isang lugar na nagpapasaya sa'yo, di mo alam kung bakit. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo, maghanap ng paraan para maibsan ang kalungkutan mo.

SCOOP: Kagaya ko miss ko na naman ang Pilipinas, isang taon palang nang huli kaming nagbakasyon gusto na naman naming bumalik. Kaya mawawala muna ako ng dalawang linggo pansamantala. Mag-aabang ng libreng sakay papuntang Pilipinas.....mamaya na as in "NOW NA!!!" Sana ay makarating kami sa Pilipinas o kung saan man kami dalhin ng libreng eroplano hehehe.

Mga kamag-anak ko, huwag kayong mabibigla, wala kaming dalang pasalubong (for the pers taym) hehehe. ...lam niyo naman kulang ang budget, ang mahalaga makakauwi kami, sana ganun din ang nasa isip n'yo hehehe....na iba talaga ang Pilipinas, home sweet home.

---------------------------------------------------------------------------------------

Bakit Gustong-gusto Kong Bumalik sa Pilipinas??

1. Prutas- Miss ko ang mga prutas sa atin na wala dito sa Japan kagaya ng manggang hhhilaw na may kasamang bagoong halamang, manggang hhhinog (may "h" yan a) na hindi kinalburo, tinadtad na santol na isasawsaw sa bagoong alamang hmm tsalap, lansones na maliit ang buto at ubod ng tamis, chiko na amoy lasing hehehe ay amoy alcohol pala, guyabano na konting buto, atis na matamis, buko na malauhog sa lambot at mahaba man o maikling saging na latundan at lakatan.

2. Fast Food- Jollibee !!! Dunkin Donuts (wala dito sa lugar namin yan eh, si Mr. Donut lang), greenwich pizza, Andok's o Baliwag lechon manok

3. Mga kakanin- alayang hube, kamoteng kahoy na suman, suman na malagkit, bibingka, espasol, buko pie, puto bungbong, kutsinta, sapin-sapin, biko, maruya atbp.

4. Mga Pagkaing Kalye (Street Food)- Fishballs, squidballs, kwek-kwek, kikiam, taho, sago't gulaman, buko juice- pero bibili na lang ako sa loob ng mall baka ako ma hepa mahirap na so ano na kaya tawag dun, food mall....ay food court na hehehe.

5. Beach (kahit saan pa siya) at hot spring sa laguna, di ko pa kasi nasubukan yun hot spring dito o tinatawag nilang onsen, yun maliligo ka na hubo't hubad, di ko kaya kasi yun baka pag nakita ako ng mga haponesa magtakbuhan silang lahat hehehe).

6. Damit- miss ko na ang mga "kukur"..... kukurtinahing damit..... ay wag naman pala yun nagsawa na ako dun hehehe kahit "mumur" na lang ok na, mumurahing damit hehehe.

7. At ang importante sa lahat.... ang pamilya ko, kapuso man at kapamilya, mapa in-laws at out-laws, lahat sila miss ko na...sipsip hehehe.

---------------------------------------------------------------------------------


Share ko pala sa inyo ang quote ng asawa ko kung bakit kami laging umuuwi sa Pilipinas gayong maraming mga Pinoy expats na madalang sa patak ng ulan kung umuwi dahil na rin sa kakulangan sa budget o wala ng pamilyang uuwian. Eto:

"Habang buhay pa ang mga magulang natin dapat natin silang makita at madalaw, kung maaari taon-taon dahil mas mahirap kung uuwi ka lang para madatnan ang walang buhay nilang katawan." (waaaa natouched ako)

Sagot ko sa quote na yan:

"Sana may maipon na tayong pera, kulang ang limang libong dolyar para makauwi, pamasahe palang talo na (ssshhhh sa isipan ko lang yan at sana magkatrabaho na ko hehehe)."


ANO naman ang ayaw ko sa Pilipinas???

Marami! Pero isasantabi ko muna ang lahat ng mga 'yan kasi pagkaing Pinoy ang nasa isip ko hehehe (walang diet diet!!!!)

LARAWAN: Kuha sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa Laguna noong isang taon

Wednesday, June 10, 2009

HULA SCOOP: Huwag Piliting Baguhin Ang Mga Nakaraan Mo


HULA: Huwag mong piliting baguhin ang mga nakaraan mo, pero kung mapilit ka sige gawin mo na gusto mo, bahala ka hehehe.

SCOOP: Parang gusto ko uling talakayin ang mga sawikain natin, kung anuman ang kaugnayan nito sa hula ay akin na lang yun. May mga sawikain o idioms tayo na tila hindi na angkop sa ating henerasyon na unti-unting binabago ng mga tao ang kahulugan nito o ang iba ay unti-unti ng hindi nagagamit at minsan iba na ang pakahulugan ng mga tao. Narito ang ilan.

1. Noon-sampid bakod (nakikitira)
Ngayon-sampid (nakikitira pero wala ng bakod yun bahay hehehe)

2. Noon-Nagbibilang ng poste-(walang trabaho) madalang pa poste noon kaya ngayon iba na
Ngayon- ...."nagbibilang ng tuhod" (ayaw na talagang magtrabaho, kinareer na, tambay sa kanto, binibilang ang mga nagdadaang tuhod hehehe)

3. Noon- makati ang paa (mahilig gumala)
Ngayon- makati (mahilig gumala para humanap ng kapakner at ng maibsan ang kati hehehe)

4. Noon- makapal ang palad (masipag)
Ngayon- mariang palad ay hindi pala hehehe 'makapal ang palad' pa rin pero iba na ang kahulugan ( may kalyo sa kaka...sulat?? basta may kalyo di ko lang alam kung bakit hehehe, baka nga masipag kaka....salin ng tubig?? ewan)

5. Noon- matigas ang leeg (mapagmataas)
Ngayon- matigas ang "ano"(maraming kahulugan ang ano,bahala na kayo, pwedeng matigas ang loob o kaya matigas ang tuhod, kahit anong matigas pwede hehehe)

PAUNAWA: Ang mga nabanggit na sawikain noon ay pawang totoong kahulugan ngunit huwag maniwala sa sawikain "ngayon" gawa-gawa lang yan ng taong walang magawa.....ako hehehe.

UKOL SA LARAWAN: Ang larawan ay kuha ko sa isang city dito sa Japan, sa Sendai. Wala lang, gusto ko lang ishare yun pangalan ng store, akala ko kasi mali spelling hehehe (bakit ba ako nakikialam sa mga Hapon? hehehe).

PAHABOL:

Sa mga di pa nakakabasa ng blog entry ko sa PEBA, paki click lang po ito.

Pag nagustuhan ninyo, pakiboto na rin po ako. Paki click ito o yun logo ng PEBA na nasa right side bar.


Muli po ang taos puso kong pasasalamat sa mga bumoto, at sa mga nag-aalanganing bumoto, sa mga ayaw bumoto at sa walang time na bumoto, ok lang po, salamat na rin po.

Friday, June 5, 2009

HULA SCOOP: May Dadaluhan Kang Party




Sa mga di pa nakakabasa ng blog entry ko sa PEBA, paki click lang po ito.

Pag nagustuhan ninyo, pakiboto na rin po ako. Paki click ito o yun logo ng PEBA na nasa itaas o kahit sa side bar at iboto ang #6 Hulascoop.


Muli po ang taos puso kong pasasalamat sa mga bumoto, at sa mga nag-aalanganing bumoto, sa mga ayaw bumoto at sa walang time na bumoto, ok lang po, salamat na rin po.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------





HULA: May dadaluhan kang party. Di ka magkandaugaga sa mga party na pupuntahan mo ngayong weekend, magbibitbit ka pa ng mga pagkain na "to go."


SCOOP: Ang dami mong mga dalang left over pero malamang itatambak mo lang sa pridyider nyo yan tapos pag di na nakita ng mga mata e sa basura din ang tuloy. Kaya narito ang ilang mga tip para makatulong ka naman sa kapaligiran, lalo na ngayong may global warming....ay global crisis pala hehehe.


MGA TIP NI SARDS – RECYCLE LEFT OVER


LECHONG KAWALI- kapag lumamig na ito malamang hindi na mainit at sigurado akong hindi na malutong. Isahog at ipanggisa sa munggo, pinakbet o gulay na hinalo-halo este halu-halong gulay o kahit anong ulam na kinakailangan ang baboy o pangsahog na pamparami.


BAKED CHICKEN O LECHONG MANOK- Tamang tama kung gusto niyong magpakanton o magkanton....hehehe lam ko peborit n'yo yan.....lucky you! ay lucky me pala hehehe. Eto ang swak na swak. Himay-himayin ang mga ito, at gawing sangkap sa pagluluto ng kanton kahit sa pansit, sopas, sotanghon, yakisoba at kahit anong noodles pwedeng pwede huwag lang sa miswa, wala lang… ayoko lang.


CHOP SUEY- Kung gusto pa rin ninyong magpansitan ay... magpansit pala eto ok din ang tirang chop suey pwede pa rin sa kanton, instant ramen, chow mein basta huwag lang sa miswa….wala lang, ayoko lang…..at isahog ang mga gulay nito kasama ang lechong kawali at chicken na left over mo.


BAKED O SMOKED FISH- Isahog mo sa munggo kasama ang lechong kawali left over o kung walang lechong kawali idagdag mo na lang ang kumunat mong chicharon masarap sa munggo yan.


BAHAW O KANING LAMIG- baka sumobra ang lata ng sinaing mo at naging lugaw kaya hindi naubos ang kanin kaya maggisa ka na lang ng bawang, sibuyas at luya at isangkutsa mo ang leftover na chicken sabay ilagay ang kanin ayos na yan may arroz caldo ka na hehehe...sarap ternuhan ng tenga ng baboy...tsalap!


BEEF STEAK (American style) o bistik (pinoy style)- hiwain ng maninipis ang mga ito. Isahog sa thai salad, presto may beef thai salad ka na. Kung di mo alam ang recipe ng beef thai salad….ask me….ask me! Hehehe



PANGAT- ang "pangat-"long init na ulam pwede pa rin yan....basta huwag lang sasakit ang tiyan ninyo, kung sumakit hindi na pwede.


PANIS NA PANSIT, PANIS NA SPAGHETTI, PANIS NA MENUDO, PANIS NA MECHADO, PANIS NA KALDERETANG BAKA- Asa ka pa….alangan lutuin mo pa yun???? Heller itapon mo na no! Alam ko namang wala kang pet na baboy kaya diretso na sa basura yan....pero sayang.....marami pa namang nagugutom na mga tao. Kaya hangga't maiiwasan huwag magtira ng ulam.


PAUNAWA: Ang mga nabanggit ay hindi pa nasubukan kung ikasisiya ng panlasa ng madlang people. Malamang sa hindi ko malaman ay hindi ko rin matiyak kung ito’y mawawari ninyo subalit bagama’t datapwa’t kahit ano pa man nawa, sana, I wish, I hope… maging kaaya-aya sa panlasa ninyo.