Wednesday, January 28, 2009

HULA SCOOP: Magpasalamat sa mga Biyayang Natatanggap


HULA: Magpasalamat ka sa kung anong biyaya ang binigay sa’yo ng Diyos, huwag mong hayaang liparin ito ng hangin.

SCOOP: Narito ang isang halimbawa ng pagpapahalaga sa biyaya nawa'y kapulutan n'yo ng aral.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Si Nonong, isang simpleng bata ay malayo ang iniisip, nakatanaw at minamasid sa malayo ang mga ibang bata na naglipana sa bundok na ‘yun, bundok nga ba ang masasabi sa lugar na yun? Mga tambak na marurumi at sirang gamit, mga panis na pagkain na nilalangaw na, mga plastic bag na pinaglagyan ng mga basura, mga yuping lata, mga pira-pirasong bakal, at iba pa halo-halo, mga bagay na tumaas ng tumaas sa naipong mga basura…ang smokey mountain.

Ang mga bata ay abalang nag-aagawan at naghahanap ng mga bagay na maaari pang pakinabangan at maipagbili na siyang pantawid gutom ng kanilang pamilya, hindi alintana ang baho, amoy at usok ng basura at ang mga langaw na dumadapo sa kanilang katawan, hindi pala langaw kundi bangaw sa laki ng mga ito.


Habang abala ang mga bata sa kanilang ikinabubuhay ay napapalatak na lamang si Nonong, sa kanyang isipan gusto niyang tumulong sa mga ito, pero paano? Siya na natutulog sa malambot na kama , kumakain ng masasarap na pagkain, may katulong at yaya na nauutusan kapag siya’y nagugutom, pinaghahain, pinagtutupi ng mga damit niya, nagliligpit ng mga laruan niya kapag nagsawa na siya sa kakalaro ng mga ito. Nagagalit pag hindi nasunod ang gusto, maglalaro ng mga video games niya, may gameboy, playstation, nintendo, xbox, wii, at iba pa, halinhinan sa mga ito. Nakakapagsuot ng mga mamahaling damit, branded pa na may logo ng Ralph Lauren, Abercrombie, Hollister, Armani, Lacoste, you name it na sa kanya na yata lahat pero parang may kulang …hindi siya masaya sa kanyang nararamdaman.

Gusto niyang tulungan ang mga batang nakikita niya kung paano mamuhay…hindi sila normal, hindi normal dahil sa isang katulad din niyang bata dapat naglalaro lang sila, nag-aaral, nanonood ng tv walang iniisip na problema pero itong mga batang ito, bata palang naghahanap-buhay na, tumutulong na sa kanilang magulang na kumita ng pera kahit sa maliit na paraan lang, pero siya….hindi pa nakukuntento sa mga natatanggap niya.


Habang siya’y nagmumuni ng kanyang nararamdaman ay may bigla na lang pumitik sa kanyang tenga, “Nonong tulog ka ng tulog! Hala mag-umpisa ka ng magtulak ng kariton mo no! Malayo pa ang iikutin mo sa pagbenta ng bote’t diyaryo! Napakamot na lamang si Nonong sa ulo….”Nay naman feel na feel ko na nga eh….Si Nanay talaga kill joy! Libre naman managinip no!”

PAUNAWA: Ang larawan na nasa itaas ay walang kinalaman kay Nonong. Naglalaro lamang ang bata at kinodakan este nikon-an ko lang siya.

Tuesday, January 27, 2009

HULA SCOOP: Magmumuni-muni ka


HULA: Magmuni-muni ka ngayon araw na ito, wala ka kasing magawa.

SCOOP: Magmumuni-muni ka ng mga artistang peborit mo kaya eto ibibigay ko na ang ilan sa dapat mong maalala.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ALAM N'YO BA....

Sa original version ng Princess Sarah (pinoy version), ang mga gumanap na tauhan ay sina:



1. Sara- CAMILLE PRATS

2. Miss Minchin- JEAN GARCIA

3. Becky- ANGELICA PANGANIBAN

4. Ang naging role ni Sara Geronimo sa original version ng Princess Sara (the movie) ay....ISA SA MGA BATA NA KALARO NI SARA

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HOME ALONG DA RILES:

5. Ang gumanap bilang Bill Kosme sa sitcom ng ABS-CBN na Home Along Da Riles ay si- SMOKEY MANALOTO

6. Ang kapatid ni Bill Kosme sa Home Along Da Riles na si BIng ay si- CLAUDINE BARETTO

7. Ang gumanap na isa pang kapatid na lalaki ni BIll Kosme bukod kay Vandolph ay si GIO ALVAREZ bilang BOB.

8. Ang tawag sa mga tambay na laging nag-iinuman sa tindahan ni Mang Tomas ay SUNOG BAGA BOYS

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

9. Sa 1995 Movie na Pata yi n sa Sindak si Barbara, ang artista na gumanap na Barbara ay si- LORNA TOLENTINO

10. Ang original na gumanap na Barbara sa unang movie na "Patayin Mo Sa Sindak si Barbara" ay si- SUSAN ROCES

PAUNAWA: Ang larawan na nakalathala sa itaas ay kuha sa Mall of Asia, diyan ka dapat pumunta pag magmumuni-muni ka hehehe

Thursday, January 15, 2009

HULA SCOOP: Tanggapin Mo Ang Anumang Balita


HULA: Tanggapin mo ang anumang balitang maririnig mo maging ito man ay masama o mabuti para sa iyo. Hindi lahat ng balita ay maganda kaya kung pangit ang balita e may magagawa ka ba? Magpakatao ka na lang dahil mas mahirap kung ang hayup ang magpapakatao.


SCOOP: Narito ang isang halimbawa ng hindi pagtanggap ng pagkatalo,

ito ay mga text nang dalawang tao, isang manliligaw at nililigawan:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Amanda,


Kung alam mo lang

Sa puso ko

Ikaw lang naman,

Nag-iisa


Don Romantico,


Una sa lahat

Nais Kong malaman mo

I’m sorry

Ayoko na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sagot ni Don:


Bakit?

Bakit sayo pa?

Di ko kaya

Kapag nawala ka


Sagot ni Amanda:


I feel for you

I know the feeling

Huwag ka nang umiyak

Kaya mo yan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Don:


Before I let you go…..

Neknek mo!!


Amanda:

Haller!

Hudas!


Don:

Humanda ka!

Amanda:

Baliw!


Don:

Sino ako?

Amanda:

Ikaw lang naman


Don:

Volta !


Amanda:

Feeling Guwapo!


Don:

Wowowee!


Amanda:

Beep beep beep

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAUNAWA: Ang mga nabanggit na text message ay actually mga kanta na nakuha sa magic sing song list ko, tagalog chip #7 yan kung wala kayo niyan bili na hehehe.


Song Numbers:


Amanda - 3071

Kung alam mo lang - 3370

Sa puso ko - 3310

Ikaw lang naman, - 3483

Nag-iisa - 3309

Don Romantico - 3470

Una sa lahat - 3437

Nais Kong malaman mo - 3072

I’m sorry - 3063

Ayoko na. - 3128

Bakit? - 3153

Bakit sayo pa? - 3364

Di ko kaya - 3122

Kapag nawala ka - 3421

I feel for you - 3089

I know the feeling - 3436

Huwag ka nang umiyak - 3451

Kaya mo yan - 3177

Before I let you go….. - 3140

Neknek mo!! - 3234

Haller! - 3029

Hudas! - 3047

Humanda ka! - 3381

Baliw! - 3450

Sino ako? - 3187

Ikaw lang naman - 3483

Volta ! - 3014

Feeling Guwapo! - 3435

Wowowee! - 3236

Beep beep beep - 3488


Note: Ang larawang ito ay wala pa ring kinalaman sa hula ko, feel ko lang ilagay ang mga kuha ko nang nasa Hawaii pa ako. Baka lang may magtanong, kuha ito sa Ala Moana Beach Park, Waikiki, Hawaii. Ang gamit kong camera ay pipitsuging sony touch screen LCD lang po at hindi po DSLR.

Wednesday, January 14, 2009

HULA SCOOP: Ipagmalaki ang natatagong katangian



HULA: Ipagmalaki mo ang natatangi mong katangian, huwag mong itago dahil balang araw magagamit mo yan sa pang araw araw na buhay. Hala, magladlad na!

SCOOP: Ang mga misis may tinatagong katangian yan na likas na sa katauhan nila kahit pa ang ilan ay housewife lang may ipagmamalaki pa rin sila at sa mga nagwowork naman bukod sa career nila e masasabi natin may sideline pa rin sila. Kaya narito ang ilan sa mga career nating mga misis o kahit pa wala pang asawa, nananalaytay na yata sa dugo natin, kaya hanapin nyo na sarili nyo dito:


Accountant- hanep magbudget, lagi tinatanong si mister kung ano binili nito, lahat naka lista ang mga bills na babayaran at take note projected na rin ang gagastusin na pangshopping. Titipirin na ang food budget huwag lang ang pangshopping spree.


Illustrator- ang galing magdrawing….magdrawing ng kilay! Pantay na pantay talaga minsan brown o black, manipis o makapal, hindi pwedeng umalis ng bahay na hindi nakakapagdrawing ng kilay kundi mukha siyang buhay na mummy.


Architect- planado lahat ang mga lakad, smooth na smooth ultimo name at place ng stall sa mall alam na alam kung saan, at kabisado na floor plan ng store kahit ang sale items alam kung saan nakatago, babaybayin lahat yan. Makikipagkita na lang sa mister sa isang lugar sa oras na tinakda niya kung kailan siya makakatapos sa pagshopping.


Engineer- ang galing magcompute at estimate ng mga “current” sale items, kahit walang calculator kayang kaya, basta nasa 75% off plus sales tax pa yun ha, sa palagay mo may “resistance” pa sya na hindi bumili? Hay naku kahit gaano katagal pa sa pagshopping malakas pa rin ang flow ng “energy” nya parang may “magnet” ang mga paa sa mall.


Scientist- laging nanghihinayang na magtapon ng mga gamit kaya mukha ng museum ang bahay o kaya naman nanghihinayang na hindi nakapag shopping sa mall during sale….basta bukambibig “sayang” kaya nga sayang-tist hehehe


Chemist- lagi na lang chemist-er naglalambing at umaasa, pag may nakita at nagustuhan na bagong bag at shoes asahan mo nakapulupot na ang katawan sa asawa di na pakakawalan pa maibili lang ng kapritso niya.


Chef- malamang lahat ay a-aggree dito, lahat ng mga misis ay chef na totoo, ang galing kasing magluto napapa ahhh at ohhh si mister sa sarap, e luto ng Diyos ba naman ang specialty….ang luffffet nyo!!



Note: Ang larawang nasa itaas ay kuha ko sa Hanauma Bay, Oahu, Hawaii at walang kinalaman sa hula scoop ko ngayon. Wala lang gusto ko lang magpost ng picture hehehe, blog ko naman to eh.

Monday, January 12, 2009

HULA SCOOP: Mahalagang Araw


HULA: Mahalaga ang araw na ito sa'yo huwag ka lang balewalain ng iba.

SCOOP: Narito ang kahulugan ko ng bale-wala at isang halimbawa ng sanaysay kung saan ipinamalas ang kanyang “mahalagang araw.”

Kahulugan:

Balewala- deadma; hindi mahalaga; kabaliktaran ng mahalaga


Sanaysay (essay):

Mahalagang araw

Ilang oras na lang at ikakasal na siya, magkahalong saya at lungkot ang kanyang nararamdaman. Lungkot sapagkat malayo siya sa kanyang mga mahal sa buhay; saya, sapagkat ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal nya. Pawang mga kaibigan nya ang dadalo sa pinakamahalagang araw na iyon sa buhay nya.


Mahirap talagang ikasal sa dayuhang bansa, malayo sa mga pamilya at kaibigan. Kahit sabihin mang malayo ay alam niyang hindi rin naman dadalo ang pamilya niya, hindi nila matanggap na ikakasal na kasi siya sa isang dayuhang hindi man lang nila lubos na nakilala.


Sa ilang taong inilagi niya sa bansang iyon ay doon niya nakilala si Dave, mabait, maunawain at maalalahanin kaya naman nahulog kaagad ang loob niya dito at di maikakaila ang kagwapuhan nito higit sa lahat tanggap nito ang pagkatao at ang pamilya niya.


Hindi rin naman nya masisisi ang kanyang mga magulang at kapatid, alam niya binigla nya ang mga ito sa kanyang desisyon. Sa kanya lamang umaasa ang kanyang pamilya, hikahos sa buhay, ang ama ay namamasada ng dyip, ang ina naman ay nagtitinda ng mga kakanin sa palengke gaano na lang kaliit ang kinikita ng magulang nya para mapag aral pa ang pito nyang mga kapatid. Peroalam niya naging mabuti siyang anak at kapatid, hindi siya nakalimot magpadala ng pera buwan-buwan sa kanila.


Sa ilang taon niyang inilagi sa ibang bansa nalimutan niya ang kaniyangsarili, naging sugapa siya.sugapa sa pagtatrabaho, di alintana ang pangungulila maitaguyod lamang niya ang kaniyang pamilya.


At ngayon sa araw na pinakahihintay niya, nakaharap siya sa salamin, nasisilayan niya ang kanyang mukha, may bahid ng kalungkutan, nakaayos na siya handang handa na pero hindi niya maalis na hangarin na kahit man lang sa isipan ay makatabi niya ang kaniyang ina, na siya sana ang mag-aayos ng kaniyang buhok, ng belo at ng kanyang gown...laking panghihinayang niya."sayang..sayang" ang nasambit lang niya. Sa sandaling iyon, kahit man lang sa huling pagkakataon umaasa siyang kakausapin siya ng kaniyang ina, kaya atubili niyang kinuha ang telepono at tumawag sa Pilipinas umaasa na papakinggan siya, "Nay si Brenda po ito...di pa siya natatapos ay nanggagalaiti na sa galit ang kanyang ina at."Hoy Brando tigil-tigilan mo na ang kaartehan mo, may brenda-mage ka na talaga at papatol ka pa sa hudas na lalaki rin na Deb na yun, debdeban ko kaya kayo??!!"....."Madir Dave po at hindi Deb".."Dave, Dabid o Deb" wateber pareho din yun..lalaki pa rin kayo.@@$$#@ mga bugok!!!


PAUNAWA:

Kung ang nabanggit na mga pangalan ay may kaugnayan sa inyong personal na buhay ay pagpasensiyahan nyo na po at ito ay pawang kathang isip lang, patawad po tao lang...


Ang sanaysay na ito ay hawi sa isang email na naglipana sa tabi tabi diyan.

Saturday, January 10, 2009

HULA SCOOP: Huwag kalimutan ang pangalan ng kaibigan


HULA: Huwag mong kakalimutan ang iyong mahal na kaibigan, kahit sa pangalan iyong tandaan. Nasusulat!!!dito… sa salawikain pala......”Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.”

SCOOP: Tayo ng mag-aral ng mga pinoy na pangalan.

KAHULUGAN KO:
Tandaan- hindi bataan: from the root word tanda= hindi bata; an- hulapi o suffix therefore tanda+ an= tandaan
Kaibigan- kamahalan: from the root word ibig=mahal, so kamahalan (wala ng kokontra)

TOTOONG KAHULUGAN:
Pangalan= kabantugan (ang bantot!! Kaya nga maganda pa kahulugan ko e)

Ang mga pangalan ng Pinoy kakaiba talaga, pag napunta ka sa ibang bansa obvious na obvious ang isang tao ay Pinoy sa pangalan palang except kung galing sa mga Spanish words na nakuha ng ating mga ninuno sa mga kalendaryo noon. Pero ang mga names natin noon ay may mga kahulugan pero ngayon hay naku wala ng meaning puro pinagsama-samang pangalan ng tatay at nanay at minsan di papatalo ang mga monster in laws natin at gusto nakasama pa ang name nila (kahit ang bantot amoy utot wala kang magawa). Ihahambing ko sa inyo ang mga names ng Pinoy through generations di ko na binanggit ang specific years kasi lalo lang tayong tatanda.

NINUNO DAYS(may meaning pa): Tunay na Pinoy names
1. Diwata- Diyosa; goddess
2. Ligaya- saya; happiness
3. Dalisay- puro,busilak; pure
4. Liwayway- madaling araw; dawn
5. Luningning- kinang; brilliance
6. Mayumi- mahinhin; modest
7. Bayani- dakila; great, hero
8. Makisig- guwapo; handsome
9. Datu- pinuno; chieftain
10. Lualhati-karangalan; glory

PINAIKLI NG TUNAY NA PINOY NAME DAYS:
1. Diwata- Tata
2. Ligaya- Gaygay
3. Dalisay- Dada
4. Liwayway- Lili
5. Luningning- Lulu o Ningning
6. Mayumi- Mimi
7. Bayani- Nini
8. Makisig- Sisig ay mali ahhh Makmak
9. Datu- Tutu
10. Lualhati- Ti--? Ay bastos….Lulu na lang

MGA PINAGSAMA-SAMANG NAME DAYS:

1. Jejomar- Jesus, Joseph at Maria (di kasi pwedeng susmaryosep at expression na lang)
2. Luzviminda- Luzon, Visaya at Mindanao , di na lang ginawang Filipinas
3. Usaffe- acronym ng United States Armed Forces of Far East (name ng teacher ko yan! Hehehe)

At ang mga walang kamatayang pangalan na lagi na lang nag-uumpisa sa Maria plus yun names from Spanish:
4. Maria+ Victoria= Marivic
5. Maria+ Teresa= Marites o Marissa
6. Maria + Carmela= Maricar
7. Maria+ Luisa= Marilou
8. Maria + Leonora + Theresa= Matet (hehehe)
9. Maria + Elizabeth= Maribeth
10. Maria + Cristina= Maricris

NICK NAMES MULA SA PINAGSAMA-SAMANG NAME DAYS
1. Jejomar- Jojo
2. Luzviminda- Luz o Minda, Luz-luz (??)
3. Usaffe- Fe
4. Marivic- Vicvic
5. Marisa- Mari
6. Maricar- Car
7. Marilou- Malou o Lou na lang o Lulu
8. Matet- Tet
9. Maribeth- Beth, Bek-bek (Betcha??)
10. Maricris- Kris, Kring-kring


PAUNAWA: Marami pa pong mga halimbawa ng mga pinoy names na dinoble doble pero masyado ng mahaba para ilagay ko pa, baka hindi nyo na basahin, mabubugnot pa kayo. Nawa’y kapulutan nyo ng uban ang hula kong ito….wala pong nakakatawa sa hula ko…wag na kayong maghintay pa.




Friday, January 9, 2009

HULA SCOOP: Ilabas ang Kalungkutan


HULA: Maaalala mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ang mamuhay sa iyong bayan. Hayaan mong ilabas ang lahat ng iyong hinanakit at kalungkutan upang ito’y mawala at ikagaan ng iyong kalooban. Magbanyo ka kaya, baka masolusyonan kaagad?

SCOOP: Mayroon akong ibabahagi sa inyo na isang liham na nagmula sa isang lurker dito sa aking walang kwentang blog, isang seryosong tao na nangangailangan ng isang kaibigang masasandalan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Sardonyx

Matagal tagal na rin akong tagasubaybay mo sa iyong hulascoop, yun nga lang ako’y nahihiya na sumagot sa iyong mga posts.

Ako’y bago palang dito sa US kaya ako’y nalulunod sa kakaibang kulturang nakikita ko na malayong malayo kung ikukumpara sa ating bansa.

Minsan pumunta ako sa McDo, nag order ako ng spaghetti wala daw sila, ano ba namang klaseng McDo dito walang spaghetti buti pa sa Pilipinas meron kaya nag order na lang ako ng Chicken McDo w/ Rice nag extra garlic rice pa nga ako hay naku wala rin daw sila kaya ayun bumili na lang ako ng bigmac yun ang sikat sa atin e kaso marami pang tinanong e di ko naman maintindihan ang ingles, ang huling narinig ko kung daw bang plain ang gusto ko kaya para di na ako mag ingles pa e sinabi ko na oo plain na nga, ayun binigyan ako na hamburger na wala man lang lettuce at kamatis ni cheese wala, di ko tuloy makain ni ketchup wala nga e.

Nag order din ako ng softdrink ano raw yun, hello? Ingles na nga di pa naintindihan sabi ko yun coke ayun saka palang kami nagkaintindihan soda pala tawag nila hmmmp arte!….pero sabay banat na wala raw sila coke, pepsi lang daw….hay ang tao nga naman pag minamalas hindi talaga sinuswerte at ang nakakainis pa di ako binigyan ng tissue so nanghingi ako ng tissue, ibinigay ba naman sa akin e pamunas ng pwet, bathroom tissue ba naman! Nagreklamo ako at sinagot ba naman ako na napkin daw tawag dun, ang alam ko ang napkin kasi sa atin ay pantapal sa pekpek ooppps sorry excuse my french. Nagtawanan ang ibang mga Filipino na nakarinig sa akin, naulinigan ko ang sabi nila FOB daw ako at nalaman ko ang kahulugan nito nang itanong ko sa aking kaibigan, Fresh of the Boat daw parang promdi version sa atin yun …..nakipagtalo pa nga ako sa kaibigan ko sabi ko hindi naman ako sumakay ng barko o lantsa o kahit bangka man papunta dito, nag-eroplano naman ako, kahit ganito ako di naman ako tangang magbabarko papunta dito sa States ang tagal nun ah!

Nang papauwi na nga ako tumawid ako sa tinatawag nilang crosswalk, hanap nga ako ng hanap ng krus e wala naman akong makita buti pa sa ‘tin pedestrian lane ang tawag, e totoo naman na mga tao naglalakad doon. Natuwa nga ako kasi high tech ang sign dito para maglakad at huminto sa tawiran. Noong makita ko na ang sign na “walk” lumakad na ako pero wala pa ako sa kalagitnaan ng kalsada nag flash na kaagad ng “don’t walk” kaya napahinto rin ako, baka ako hulihin ng pulis mahirap na no, naku nagbusinahan mga sasakyan sa kin pano ba naman nasa gitna ako ng kalsada, ang tanga naman kasi nun sign na yun ang bilis bilis pinahinto ba naman ako sa gitna tapos magrereklamo mga hinayupak na mga drivers na yun!

Minsan naiinis na nga ako dito gusto ko nang umuwi, puro kasi nag iingles mga tao at ang masaklap puro Amerikano sila kundi nakakasilaw ang didilim nila!!! Sa totoo lang Sards ang labo naman talaga nila kahit nga english words nila di ba? Kagaya na lang ng boxing ring, bakit bilog ba ang ring noong may laban si Pacquiao di ba square naman? Tapos ang mga lemon juice dito gawa naman sa artificial flavor samantalang ang mga dishwashing liquid soap gawa raw sa real lemon. Hay kakaloka!! Hello???

Mahaba-haba na ito, malamang tatamarin ka ng magbasa nito.
Salamat Sards at pinagbigyan mong basahin ang liham kong ito at
sana ay maunawaan mo ang aking nararamdaman ngayon. Kung may panahon ka sana naman magchat tayo ha, marami pa akong ikukuwento sa iyo.

Ang iyong masugid na tagasubaybay,
Anony Mous

Thursday, January 8, 2009

HULA SCOOP: Magkakatampuhan kayo


HULA: Magkakatampuhan kayo ng mahal mo sa buhay, matutong manuyo sa kanila….huwag hayaan silang mabasa…..ng luha.

SCOOP: Kapag nagkakagalit kayo ng inyong asawa o kaibigan man kailangan at the end of the day ay magkabati na kayo….at para makabawi sa mga oras na nagkatampuhan dapat lang na suyuin nyo sila ng masarap na pagkain, sabi nga the way through a man’s heart is through his puson este tiyan. Narito ang mainam na iluto sa inyong mahal sa buhay, sigurado ko…mapapadalas ang away nyo, para maulit mo lang ang lutong ito hehehe

Binulatlat na tahong

Sangkap:
Isang dakmang tahong
Isang mahaba at matabang talong
Whipped cream

1. Hugasan maigi ang tahong, tanggalin ang mga buhok buhok nito.
2. Kapag di matanggal ang mga buhok, kuskosin ito ng maige ng brush.
3. Kapag malinis na ang tahong, painitan ito.
4. Kapag mainit na ang tahong, kusa na itong bubuka
5. Hayaan pang mag-init ang tahong at lalong bubuka ito.
6. Kapag nakabuka na ang tahong, bulatlatin maige at lagyan ng whipped cream sa gitna.
7. Isantabi muna ang tahong
8. Kunin ang talong at painitin ito, habang pinapainit ito ay maaari pa kayong manood ng tv
9. Kapag mainit na ang talong maari na itong ipasok sa tahong.

Servings suggestion: Good for two people

Ang unit of measurement ay hindi naibigay sa dahilan mahirap tantiyahin ang panlasa ng bawat isa kaya hayaan nyo kayo mismo ang makadiskubre ng ikasasarap ng luto nyo.